12 Aug

Book Value

Marami na nagtry magpaliwanag nito. Marami na videos, articles at blogs out there. Let me try e paliwanag ito sa paraan na makakarelate kayo. Una, wala ba nagtataka bakit book value ang tawag? I mean... ano connect ng book? Saan galing ang book? Bakit book eh mas sossy pa nga kung stationary paper or yellow pad. Hahaha. Ganito yan. Sa accounting, book value refers to the amounts contained in the company's general ledger accounts (or books).
So yun. Kaya siya tinawag na book value. Dati kasi nirerecord ang value ng mga asset sa ledger na tinatawag nilang "book."
Ano ba talaga itong book value? Sa totoo lang ang simple lang nito. Ito ay halaga ng isang kumpanya o negosyo. Ganun lang. Tapos.
Sample may laundy business ka. Ang laundry business mo ay may asset na 100k at may liabilities na 80K. Ang book value ng negosyo mo ay 20k. Book value is equal to asset minus liabilities. Ano ang asset? Isa din yang simple na term na tunig complicated. Ang asset ay lahat na pag aari ng negosyo o companya kasama na pera nila. Sa laundry business ito ay washing machine, drier, lupa na pinagkatayu.an ng negosyo, kita ng washing machine, etc. Ano ang liabilities? Simple din ito na nagtutunog kumplikado. Mga bayarin at utang. Lahat ng gastusin. Sa laundry business ito ay mga bills, mga loans na pinamili ng mga washing machine, etc. Basta lahat ng bayarin na kinakilangan bayaran.
So ang value ng negosyo mo ay mga pag aari minus mga bayarin. Yan ang book value if sisimplehan mo. Kaya book value dahil nakasulat sa books or ledger.
Saan mo makikita ang book value? Sa tinatawag nilang financial statement. Next time tuturu.an ko kayo magbasa ng financial statement. Stay tuned lang doon.
Ano kahalagahan ng book value? Ito yung tinitingnan ng ibang investors para magkaidea kung magkano ang halaga ng isang kumpanya.
Sample: Si stock xyz ay may asset na 200 Million at may liabilities na 45 Million. Ang book value nito ay 155M. Kung sakaling malugi ang kumpanya o mgdecide na ayaw na magnegosyo. E benta nito lahat ng asset bawasan ng liabilities at ang matitira ay hati hatiin sa mga investor. Dalawang uri ng me hawak ng shares. Meron preffered shares at common. Mauunang mabibigyan ng parte ang preferred shares then next is common.
Para malaman mo magkano ang Book value sa per share na hawak mo may tinatawag na Book Value Per Share or BVPS.
Mukhang kunplikado pero madali lang yan. Ang formula niyan ay BVPS is equal to stockholders equity minus preferred shares divided by outstanding shares. Lets say 155 Milion ang pera ng isang kumpanya. Ang prefered shares ay 5 Million. Ang outstanding shares ay 75 Million shares. Para makuha ang BVPS ang mangyayare ay yung 155 na shareholder's equity bawasan m ng preferred shares na 5 million magiging 150 Million na lang then e divide mo sa outstanding shares na 75 Million. Ang kalalabasan eh meron ka 2 pesos per share.
So 2 pesos ang book value mo per share. Sinisimplehan ko lang ang lahat para makuha ninyo ang general concept or idea. If sa accounting talaga me mga kumplikado pa na paraan kase kahit yung outstanding shares need mo ay yung average lang but this will do for now.
Paano ang gamit ng BVPS?
Madali lang. E compare mo lang sa stock price nya. Kung stock price niya ay 1 peso ang ibig sabihin ay undervalued siya kase ang book value per share niya nga eh 2 pesos tapos stock price niya eh 1 peso lang. Kung malugi at magliquidate ang kumpanya panalo ka kasi 1 peso bili mo matatanggap m 2 pesos. Kung ang stock price niya ay 10 pesos meaning overvalued siya kase ang book value niya ay 2 pesos lang. Kung malugi at mg liquidate ang kumpanya talo ka kase 10 bili mo mtatanggap mo eh 2.
Syempre matalino ang TL Family. Magtatanong. "Maam gandah atin atin lang to... pwede ba natin pataasin ang book value per share para mag mukhang undervalued ang kumpanya or para gumanda dating ng kumpanya?"
Pwede...
One of the main ways of increasing the book value per share is to buy back common stocks from shareholders. Using the previous example meron tayo 2 pesos na BVPS diba. Eh ngayon lets say nagbuy back ang company. Binili nila ang common shares. Bumili sila kunyare 25 Million common shares. Meaning ang dating 75 Million outstanding shares ay magiging 50 Million na lang. So if balikan mo ang formula kanina. Shareholders equity minus preferred divided by outstanding. 155 Million divided by 5 Million is 150 Million. Divide mo sa 50 Million na outstanding shares is 3 pesos. Oh diba? Yung 2 pesos naging 3 na.
Isang paraan pa is increase mo ang assets at bawasan ang liabilities.

I BUILT MY SITE FOR FREE USING