KownTROLL
A lot of people don't understand how PSE work. Lagi nila kinocompare ang PSE sa ibang market as if same ang liquidity. Great business/great company does not mean good stock price performance sa PSE. U need to understand na emerging market ang PSE. If lagyan natin analogy ganito. Kung yung NYSE ay mga bluechip market. Si PSE ay nasa hanay ng third liner. If si NYSE ay SM si PSE ay zhi or ever. What does it mean? It means na konti smart money dumadaloy sa PSE. As of today nasa 67B na nga ang foreign sell YTD.
Ano connect?Bakit ko nasabi to?
Well, may mga illusion kasi karamihan sa inyo na may control kayo sa mangyayare sa stocks. "Bili ako JFC kasi surebol to! Bili ako DITO kase surebol to!Really?"
Meron din ganito linya lagi. "I used mama pero loss ako. Akala ko pag mama gain lagi to. Bakit ako naka lima trade na loss pa din?"
The fact na u asked that meaning niyan di mo gets how stock market works. Game of probabilities po ang market. Mama or darvas or fishball or whatever pa na strategy gamit mo. Yung strategy na yan does not move market. They just help you see where the movement is.
Meron pa "kailangan ko kumita 20K this month kase yun amount ng bayarin ko"
Really?
Di po parang trabaho ang stock market na every month me eexpect ka na sahod. Wag nyo rin e compare sa networking or commission based na sideline. Di ibig sabihib masipag ka bumili mga stock eh malaki commission mo.
Marami nku blog about who and what move the market try nyo basahin.
Marami sa inyo mahilig maging tama. Ma pride. Bumili PXP dahil sa news. Bumili JFC dahil maganda daw e longterm. Eh yung kinalabasan ng trade baliktad kesa sa iniexpect. Ano gagawin? E hohold. Ayaw tanggapin na mali analysis nya. Paninindigan niya ito. Hawak hawak kahit 50% loss na. If may ibang opinyon ang ibang traders aawayin o magagalit.
If ganyab diskarte nyo sa stock market mauubos lang pera ninyo.
Wala kayo control sa mangyayare sa stocks. Ang tanging control lang na meron kayo is pagpasok at paglabas.
Kung may strat kayo respect nyo entries at exit nyo. If umayon sa inyo ang trade good. If di umayon respect nyo exit signal nyo. Di kayo yung ngpapagalaw ng stock market. Ke makinig kayo sakin or not facts yan. Wala pake ang market ke kawawa ka or me sakit family mo at need mo money sobra. Open ur eyes. Start seeing the market for what it is. Attend attend pa kayo ng seminar, mentorships at summit summit as if me control mga yan sa market. Ano yun pipigilan nila pandemic?😂😂😂
Think about what I said kasi ang stock market trading or investing ay parang resto. Either nakaupo ka sa mesa at kumakain or ikaw yung ulam.