Market Capitalization.
Nanonood si Don Pepot ng paborito niyang palabas sa TV. Biglang nagbrown out. Nasa scene kung saan e rereveal na ng babae kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya. Nagalit at nainis si Don Pepot. Tinawagan niya si Kiko yung driver niya.
Don Pepot: Hoy Kiko tawagan mo ang Meralco oramismo!
Kiko: Bakit po senyor?
Don Pepot: Sabihin mo ibalik ang kuryente.
Kiko: masusunod po senyor.
A few moments later....
Kiko: Senyor tinatawagan ko walang sumasagot!
Don Pepot: Santisima! Sige alamin mo magkano ang meralco at bibilhin ko ng Cash!
Kiko: ahhh ehhh... paano ko po malalaman magkano ang meralco senyor? Eh estimate ko lang ba?
Don Pepot: Tingnan mo sa stock market ano stock code ng meralco.
Kiko: Natingnan ko na po. MER po ang stock code.
Don Pepot: Alamin mo ang market cap nito.
Kiko: Market Cap? Sumbrero po? Yung may logo ng meralco?
Don Pepot: Hindi. Ang market cap ay ang halaga ng isang companya na listed sa stock market. Ito ay tinatawag na market value niya.
Kiko: Saan po galing ang market cap?
Don Pepot: Ang market cap ay makukuha mo kapag e multiply mo ang lahat ng outstanding shares ng isang stock/company sa kasalukuyan na share price nito.
Don Pepot: Magkano ang presyo ng per share ngayon ng MER?
Kiko: Nasa 266 pesos po senyor.
Don Pepot: ilan ang outstanding shares ng MER ngayon?
Kiko: 1,127,098,705 shares po.
Don Pepot: Eh multiply mo.
Kiko: Senyor nag eerror ang calculator ko eh.
Don Pepot: E manual mo.
Kiko: (shocked face)
Don Pepot: ako na. More or less nasa 300B pesos ang market cap ni MER.
Kiko: ayun pala ang market cap. May narinig ako dati na large cap, mid cap at small cap. Ano ba yun?
Don Pepot: Classification lang ng market cap yun. Small cap eh yung nasa 40B pababa. Mid cap eh nasa 100B pababa at large cap naman ay nasa above 100B.
Kiko: Ano naman po significance nun?
Don Pepot: bah significance...english ah.
Kiko: narinig ko lang sa tiktok yun senyor.
Don Pepot: Kapag large cap meaning established na ang companya. Matibay na kumpanya na yan. Kaso mabagal na galaw kasi nga matibay na siya meaning yung room for growth niya eh limited na but matibay siya. Mid cap naman ay may room for growth. Meaning kung gagalaw siya eh mas mabilis kesa large cap kase may growth potential pa siya. Small caps naman eh may malaking growth potential but dahil small cap siya ay risky din kase siya yung pinaka di pa established.
Kiko: Ganun pala yun.
Don Pepot: ihanda mo ang helicopter at magwiwithdraw tayo ng 300B. Bibilhib natin ang Meralco oramismo!
Kiko: Masusunod po senyor!