12 Aug

Price/Earnings Ratio (PE)
A lot of blogs, articles at videos na nalabas nag eexplain ng PE. Let me try to explain it sa level na makakarelate kayo.
Me pinsan ikaw na me Yema business. Nagsimula siya sa capital na 10,000 pesos.
With the 10,000 pesos bumili siya mga kailangan niya like gamit, itlog, condensed milk, mantika, plastic wrapper, etc. One month after siya nag open kumita siya ng open ay kumita siya ng 30,000 pesos.
Kita niya= 30,000 tawagin natin yan na income or revenue.
Gastos niya =10,000 which we can call expenses.
Income-expenses= earnings.
So, 30k - 10k = 20,000.
Meron siyang 20,000 na earnings.
Nalaman ngayon ng family nila yun. So marami ngayon interested na sumali sa negosyo. Plan din ng pinsan ko mag branch out para mas malawak mabentahan niya ng yema.
Naicip ng pinsan mo na kaya magbigay ng 20,000 pesos na earnings ang yema business nila. Dinivide nila ang business nila into shares since gusto nila mag grow kailangan nila ng pondo and they will do it by selling shares sa yema business nila. They divided their business into 1000 shares. Since 20,000 ang earnings niya eh divide mo ito sa 1000 shares meankng meron ang business niya na 20 pesos earnings per share. Kapag bumili ka ng isang share sa tema business nila yung share na nabili mo na yun ay may kakayahan na kumita ng 20 pesos. So, iicipin mo. "Hmmm... kung bibili ako isang share may kakayahan ang nabili ko na share na ito kumita ng 20 pesos every month. Wala ako gagawin paupo upo lang."
Naicip mo yan. Syempre di lang ikaw genius. Marami pa ka family na naicip din yan. Kung bibili ka ng shares eh bibili din sila kase gusto din nila paupo upo lang. Eh panu yun 1000 shares lang available? Ano mangyayare? Tataas ngayon ang presyo ng per share. Ooffee ka na bibili ka 15 pesos per share. Ooffer tita mo na bibili 30 pesos per share. Ooffer mom mo bibili 50 pesos per share. Nagcompete kayo until nagdecide na 200 pesos ang bentahan ng per share.
Napaicip ka ngayon..." 200 per share.. panalo ba ako o talo ako sa offer na yun?"
Syempre matalino ka hindi ka agad agad bibili. Magreresearch ka. Naturu.an ka ni Gandakoh na magesearch lagi at wag padalos dalos. ðŸ˜‚😂😂
Tumingin ka sa ibang negosyo. Marami naman kase iba negosyo sa lugar nyo. May kababata ka na may buy and sell ng mga kotse. Binebenta niya shares ng negosyo niya sa halagang 150 pesos per share lang. Meron ka kapitbahay na may hardware business. Binebenta niya business niya sa halagang 100 per share lang. Sino bibilhin mo?
"Eh di yung 100 per share kase mura!"
Well, no. Wag muna. Hindi ganyan ang pagtingin. Di yan katulad sa damit na sa tag price ka nagbabase. Yung presyo ng per share ay presyo laman na sinisingil sayo. Di ibig sabihin na mas mura eh mas maganda.
Tingnan natin ang earnings per share muna. Naalala nyo pa sa taas? If not balikan nyo muna.
Yung may buy and sell ng kotse ay nagbebenta ng share niya sa halagang 150 per share. Ang earnings per share niya ay 5 pesos. Yungay hardware ay ngbebenta ng shares niya sa halagang 100 per share. Ang earnings per share nito ay 15 pesos.
So titingnan mo ngayon ng ganito. Para magkaroon ka ng 120 pesos na earnings sa yema business ng pinsan mo kailangan mo magbayad 1,200 pesos. Bakit? Kasi ang per share ay 200 pesos. Yung earnings mo sa per share ay 20 pesos. Para magkaroon ka ng 120 pesos na kita kailangan mo 6 shares. Yunv 6 shares sa tig 200 per share ay 1,200 pesos. Gets?
Sa buy and sell ng sasakyan naman ay kailangan mo ng 3600 pesos para magkaroon ka ng 120 pesos na kita. Bakit? Kase 150 pesos per share. Yung earnings niya per share ay 5 pesos. Para maging 120 pesos ang earnings mo kailangan mo ng 24 shares. Yung per share ay 150 pesos so ibig sabihin nun is 3600 pesos gagastusin mo para magkaroon ng 120 na earnings.
Yung hardware naman ay kakailanganin mo 800 pesos para magkaroon ng 120 pesos na earnings. Bakit? Kasi ang per share niya ay halagang 100 pesos. Ang earnings mo per share ay 15 pesos.
Meaning para ka magka 120 pesos na earnings kailangan mo ng 8 shares. If 100 ang per share meaning kailangan mo 800 pesos.
So, to get 120 pesos na earnings tatlo pagpili.an mo.
3,600 ba? 1200 ba? 800 ba?
So yung 800 pesos yung nag make sense. Doon ka sa may hardware.
Lets take a look now sa P/E.
Yema biz has a share price na 200 divide mo sa earnings na 20. Ang PE niya is 10.
Yung PE ratio is just price per share divided by earnings per share. Simple.
Ang buy and sell.ng sasakyan ay may share price na 150 at may earnings per share na 5 pesos. Ang PE niya ay 30.
Ang hardware ay may share price na 100 at may earnings per share na 15. Ang PE niya ay 6.7
Pag dating sa PE ratio yung mas mababa meaning mas ok. Yan ang basic. As u learn more marami ka maiintindihan. Kase may mga tinatawag na potentials or potential growth. Meaning maliit kita niya sa present but may.upcoming project or may maganda na potential. Marami gumagamit sa PE as part of looking sa isang company kung overvalued ba ito or undervalued. One day darating tayo jan but for now try lang to understand kung ano ang PE ratio. Yan lang. Learn lang muna ng basic.
Darating tau one day sa mga dapat tingnan when.u say overvalued a o undervalued ang company but for.now knowing what PE ratio is eh added na knowledge na sa inyo.

I BUILT MY SITE FOR FREE USING