16 Aug

Module 1:

1. Introduction:

    1.1 Stock Market

         Para mas madaling maintindihan, ang simpleng mechanics nito ay Buy & Sell.

Ito ay sa pangangalaga sa ilalim ng ahensya ng gobyerno, ang Philippine Stock Exchange Inc. (PSEi).

Halimbawa gustong magtayo ng branch ng kompanya si Mr. Villar at kinulang siya sa budget para itayo ito, let's say kailangan niya ng 50 Million para maitayo ang branch na gusto niya. Sa sitwasyong ito ay meron siyang dalawa options para makalikom ng 50M. Una uutang siya sa isang kaibigan. Pangalawa ay uutang siya sa mga mamamayan. Kasi kung sa iisang tao lang siya uutang malamang hindi siya mapagbibigyan at kung mapagbigyan man baka sobrang laki ng magiging interest nito, so ang pinakamagandang gawin ni Mr. Villar para makalikom ng 50 million para sa kanyang ipapatayong branch ng negosyo ay uutang sa mga mamayan.At ang paraaan na yon ay ipapasok niya sa PSEi o stock market ang kanyang kompanya.

Ang nabanggit na mamayan sa kwento ay nag represent nang mga traders sa loob ng stock market. Sila ang uutangan ni Mr. Villar sa pamamagitan ng pagbenta ng Share ng kanyang itatayong kompanya. Isipin natin ang analogy na ito, halimbawa ang kompanya ni Mr. Villar ay katulad ng isang pizza, kung saan ito ay nahahati ng ilang parte, ang bawat parte na yon ay ang tinatawag na Share of stocks. So kung 50 million ay kinakailangan ni Mr. Villar para maitayo ang kanyang panibagong nesgosyo, at ibibenta niya ang kanyang share of stocks sa halagang 100 pesos per share, so kinakailangan niya ng 500k katao or traders na bibili ng kanyang share para mabuo ito, at yon yong magiging start ng trading system sa loob ng stock market. Dahil alm ng mga traders na isang magaling na business tycon si Mr. Villar, ito ay kanilang tatangkilikin, dahil ang mga share holder ay sasabay sa kita at progress sa kompanyang ito.

Ang Stock Market ay maihalintulad natin sa isang palengke, may mga paninda, tindera at mga mamimili. Ang kaibahan lang sa stock market ang mabibili dito ay ang share of stocks. O Share ng isang kompanya. Ang bawat kompanyang rehistrado sa PSEi ay may mga kanya kanyang presyo. Ang pagtaas at pagbaba ng presyo ay nagdepende sa trading participants or nagdepende sa kung gaano karami ang nagtitrade. Halimbawa sa simpleng asalogy na ito: Gusto mong bu




 


     


I BUILT MY SITE FOR FREE USING